This is INSANITY
Kahalagahan ng Pagkakaibigan

Kamakailan lang, naging maugong ang balita na ma-rereshuffle daw ang buong CEAT sa DLSU-D. —At nagkatotoo na nga ang mga balita, official na daw ang re-shuffle sa building nila.

Isa sa mga dahilan na kumalat kung bakit daw nagka re-shuffle sa CEAT, ay yung talamak at hindi ma-kontrol na paggamit ng TEAMWORK. —Kung mas balbal, ang pangongopya. Kaya daw ni-rambol rambol ang mga block sections, kasi sobra na silang close, parang high school nalang ang trato nila sa college, asa nalang sa isa. Sagot ng isa, sagot na ng lahat. 

Nawawala na daw ang individual skills ng mga estudyante, kasi nga, laging naka depende sa iba, sabi pa nila, hindi raw lubusang mahuhubog ang kakayahan ng bawat isa upang magtagumpay sa tunay na buhay. —Inilagay ulit ang mga estudyante sa isang sitwasyon na kinakailangan nilang kumayod para sa kanilang sarili at walang maaasahang iba. —Kailangan daw ng sariling sikap, tiyaga, at diskarte sa college, wala nang asa asa sa iba.

May punto nga sila kung ganun, mahuhulma nga ang mga estudyante upang hindi na sila naka-depende sa iba. Pero teka lang ha, hindi ba, diskarte naman ng estudyante na dumepende sa iba? —Diniskartehan niya, kung paano kakaibiganin ang isang tao, at mapakinabangan upang pareho silang umangat. Hindi ba, sariling sikap at tiyaga naman nila kung paano pakikisamahan ang kanilang mga blockmates?

Kaya nga nilikha ang salitang “PAGKAKAIBIGAN”. —Nandiyan ang ating mga kaibigan upang punan ang mga pagkukulang natin sa buhay. Kung mahina ka sa math, nandiyan ang mga kaibigan upang ikaw ay turuan. Kung coed ka, nandiyan ang mga kaibigan upang matututo kang manuod ng porn at magmura ng malutong. —Lahat, napupunan ng kaibigan.

Kaya nga nilikha din ng ating Panginoon ang abilidad na magsalita, makaramdam, at kung ano-ano pa. —Para ang mga kakayahang ito ay ating magamit.

Kung hahasain ang estudyante upang maging mapag-isa, ano pang silbi ng kanyang buhay? Sabi nga nila, “No man is an island.” —Hahasain ang estudyante upang maging loner? Punyeta.

Kung hahasain ang estudyante na maging depende sa kanyang sarili, hindi kaya, lalong gumulo ang ating lipunan, kasi imbis na madaming tao ang gumagawa ng konspeto para sa isang bagay, magiging kanya-kanya, lalong dadami ang ideya, lalong magkakatali-taliwas ang kanilang pananaw, lalong gugulo!

Kaya ka may mga kaibigan, para ikaw ay matulungan, para lahat kayo, magtagumpay, at walang maiiwan. —Huwag na problemahin ng mag-isa ang mga problema na kayang problemahin ng ating mga kaibigan.

Knowledge will lead you to accomplishment, friendship will lead you to success. :)


  1. callmemarjjy reblogged this from akosimykel
  2. yourminiheartattack reblogged this from akosimykel
  3. akosimykel posted this