This is INSANITY
Mga Punyetang Pauso!

Napag kwentuhan namin kanina ng dalawa kong kaklase habang nag-aaral kami para sa midterm exam sa math. Ano ba ang silbi ng College Algebra sa buhay namin at sa course na kinuha namin? —Oo, may relate sa math yung course namin, pero simple math lang, hindi pina-komplikado ng ganito.

Ang MATH. —Isang aralin na marami ang ayaw, marami ang pinipilit na gustuhin, at marami din namang may gusto sa kanya. Kung magiging chicks ang Math, playgirl na choosy na ewan, in short, —COMPLICATED! Oo, napaka komplikado na ng math, lalo na habang tumatanda ka, pahirap ito ng pahirap, nagsawa na nga siya sa numbers, dinamay na rin niya pati yung nananahimik na si alphabet. —Pero bakit? Ano ang essence nito, bakit naging sobrang komplikado na ng math?

Saan nga ba gagamitin yung Math na pinag-aaralan ngayon, sa high school, lalo na yung lintek na COLLEGE ALGEBRA na yan? Wala namang praktikal na pang-gagamitan niyan ah? Unang unang sasabihin ng mga guro, importante ang math, kasi sa pang araw-araw na buhay, may math, sa tindahan, sa pagbabayad ng jeep, sa pagbibilang ng kuto, sa LAHAT! —Oo, may math nga doon, eh nasaan ang college algebra? —Kapag ba bumili ka sa tindahan, “PABILI NGA PO NG CANDY NA ANG VALUE AY ANG FUNCTION NG X-3, PASAMA NA RIN PO YUNG DOMAIN TSAKA RANGE NG 1.5 NA COKE!” —Alien ka sir? Sige nga, normal ka bang tao kung bibili ka ng ganyan? —Matalino? —O nagpapasikat?

Defensive din ang mga mahihilig sa math kapag tinanong mo kung anong essence ng college algebra sa buhay, sasabihin nila, “EXERCISE OF THE MIND” —Para mahasa ang utak sa realidad ng buhay. Para hindi ka na matataranta, kahit gaano pa ka-komplikado ang mga problemang dadanasin mo. —Punyeta! —Katawan ko nga hindi ko na ine-exercise, utak ko pa kaya? Ano yun? Warm up lang yung mga inaral niyo nung high school? —Anong klaseng exercise naman yan ha? —Kung physical exercise yan, nasa stretching ka palang, pilay na yung tuhod, siko pati paa mo. Kailangan mo pa bang aralin ang College Algebra para matuto sa buhay? eh di sana nakinig na lang ako kay Dr. Phil at kay Ellen maghapon. —Punyetang exercise of the mind yan.

Kung iisipin, sino ba talaga ang nagpauso nang ganito ka komplikadong math sa buhay natin? —Wag mamasamain, kasi idol ko rin naman talaga yung mga mathematicians, yung mga nag-imbento ng addition, subtraction, multiplication, division, at porn. —Sila ang nagbukas sa mas malalim na pagkakaintindi natin sa mundong ibabaw.

Pero yung mga pauso dyan, yung mga nilalang na dinagdagan ng kung ano-anong kalokohan ang math, nagkaroon ng letters ang simpleng numbers, nagkaroon ng domain ang simpleng fraction, at kung ano-ano pang ka-ululan. —Sino ang nagpauso niyan? —Curious lang, nung mga panahong pinag-aaralan nila yan at ginagawang komplikado ang math, ano pa ang iba nilang pinagkaka-abalahan? Wala na? —Wala ba silang friends at social life? —Na imbis magkulong sa kwarto at mag solve ng mag solve, sana nasa may kanto sila, nagja-jamming habang umiinom? —Hindi ba uso ang KAIBIGAN sa mga hinayupak na ‘yun? —Sa tingin mo ba, kung may facebook, twitter, tumblr at youjizz na noon, gagawin pa rin nila yang college algebra na yan? —Sa tingin mo, yung hindi nagsasalita at hindi gumagalaw at umuungol na mga letra pa ang pagkaka-abalahan nila?

Ewan ko din. —Wala na naman akong magagawa kahit ano pang i-type ko dito eh, kasi nga sabi nila, There are no “WHAT IFs” in history. —Kaya nagmumukha lang talaga akong ungas dito.

Hindi ako against sa math, against ako sa mga tao at bagay na ginagawang komplikado ito. —Mga wala silang common sense, may triangle, yung dalawang side ng triangle, may corresponding value, yung isang side, X lang, ang tanong, FIND X. —Yung mga ungas, hala sige, compute. —Ungas nga sila, find x lang pala eh, ayun na yung x kanina pa, nakatambay lang. —Kung ibinabalik nila ang math sa simpleng add, subtract, multiply, at divide. —Eh di sana walang bumabagsak sa eskuwelahan? —Mas dadami ang professionals, at unti-unting uunlad ang bansa natin?

THE ESSENCE OF MATH ISN’T ABOUT MAKING EASY THINGS COMPLICATED, IT IS ABOUT MAKING COMPLICATED THINGS EASY.”  :)